By Coco
Mahal, hinihintay ko
ang text mo.
Kailan ka ba ulit
magpaparamdam?
Dahil ang mga kamay
ko'y hindi nangangalay
Sa kahihintay ng
pagsulpot ng iyong pangalan
Sa aking teleponong
tila inaamag o kinakalawang na
Tulad ng puso kong
halos masira na.
Masira. Mawasak.
Mabasabag.
Masira sa sakit na
naidulot ng iyong paglisan.
Mawasak sa hapdi ng
iyong pananahimik.
Mabasag sa kirot ng
iyong mga alaala.
Mahal, mag-text ka
naman.
Tulad ng dati mong
ginagawa kapag wala kang magawa
Kapag gusto mong
magpatay ng oras habang nakapila ka sa MRT
Sayangin ang bawat
minuto kapag naiipit ka sa traffic.
I-text mo ako gaya
ng palagi mong ginagawa
Kapag gusto mong
makalimutan ang mga problema mo sa buhay
At kailangan mo ako
upang pagaanin ang bigat
Na iyong
nararamdaman.
Dahil sasagutin
kita…
Tulad ng lagi kong
ginagawang
Pagpapangiti sa mga
matatamis mong labi
Sa bawat mahahaba
kong sagot sa mga texts mong
Maiikli na't wala
pang laman.
Mahal, sasagot ako
at hindi ako mapapagod
Patahanin ka sa
bawat paghikbi mo dahil sa iyong mga kabiguan sa buhay
Lagi akong
naririto't yayakap sa iyo sa lamig
At gagabay sa iyo sa
dilim.
Sasamahan kita kahit
ako'y pagod na.
'Di kita iiwan gaya
ng paulit-ulit mong pagiwan sa akin
Sa ereng nakakalula
na
Sa daming beses mo
akong iniwang mag-isa.
Mahal, i-text mo
ako.
At sa huling
pagkakataon aasa ako…
Hangang hawak ko ang
cellphone na binili ko
Noong magkasama pa
tayo.
Hanggang hawak pa ng puso ko ang isip ko
Hanggang kaya ko pa…
Mahal, i-text mo ako
At sabihin mo sa
akin mula sa iyo na ayaw mo na
Dahil balang araw
Titigil din ako sa
kahihintay.
Kapag ang cellphone
ko ay naubusan na ng baterya,
Malamang ang puso ko
ay patay na.
No comments:
Post a Comment