Akala ko’y tama ka;
‘Yun pala’y tama na
Sa isang pagsusulit
Ng pusong punit.
Ang aking pagkakamali
Ay ang pumili ng mali—
Sagot na mahirap isulat
Sa alaalang may pilat.
Ewan ko ba kung tama o mali—
Mahirap ang maiwan muli
Habang tapos na ang lahat,
Ako ang maglilinis ng kalat.
Nais ko lang ay palakpak
Ngunit ako’y palpak;
Tanong na kay hirap
Tila walang kasing saklap.
Teka. Naiwan ko ang pambura
At ako’y napapamura.
Tiyak na ako’y babagsak
At uuwing may sapak.
No comments:
Post a Comment