Sabi mo magbabayad ka ng utang—
Pangakong napako—
Kaya’t isip ko’y lutang habang
Puso ko’y parang lulubog na barko.
Umasa ako na babawi ka
Dahil ang alkansya ko’y naghihingalo na,
Pagkain ko’y wala nang lasa.
Di ko matiis ang tulad mong paasa.
Kala ko naman ay ibibigay mo na
Kasi ang pasensya ko’y sagad na.
Dinurog mo ang damdamin ko.
Isa ka talagang ganap na manloloko.
Ika’y isang totoong sinungaling!
Sarap mong ingudngod sa uling.
Mga salita mo’y noong una’y kay ganda
Pero lahat ng ito pala’y bumabanda.
Kaya naman sa tulang ito,
Patatawarin na kita sa utang mo
Pero di mo na mauulit ‘to.
Sa ‘yo na ang pag-ibig mo.
hugot sir! haha
ReplyDeletedi naman masyado
Delete